Message from the President

Dear Students, Parents and Guardians,

Recently, we received reports of kidnapping attempts in Iloilo. Most of these attempts targeted students outside their school premises. With all these reports, it is best for us to be proactive in ensuring that this will not happen inside and outside our own school yard.

While ADI-SMCS management will try its best to intensify our security within the campus, your children might still be exposed to danger if left unsupervised by a trusted adult. 

We would like to remind you to please take extra precautions especially during dismissal. Please instruct your wards to be extra careful in dealing with strangers who might be posing as an acquaintance, substitute 'sundo', survey interviewers, and the like.  Please immediately report to the nearest security officer within the vicinity in case you encounter suspicious interaction with a stranger inside and outside the school.

Corollary to this , i also received reports that some have not complied with the car pass policy. I would like to reiterate that the car pass should be visibly pasted on the car's windshield. Your full cooperation will help us make our campus safe and secure.

Sincerely,

Fr. Joseph Y. Haw,SJ

School President

Pangaral ni San Ignacio: Gabay ng mga Atenista

Nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2013 ang Ateneo de Iloilo ngayong buwan ng Agosto sa ilalim ng temang “Wika Natin ang Daang Matuwid.”Kasabay ng pagdiriwang na ito ang iba’t ibang mga gawain at patimpalak na naglalayong muling gisingin ang kamalayan ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng Wikang Filipino bilang simbolo ng ating pagka-Pilipino. Nilalayon ng mga ito na ipadanas sa buong komunidad ang mayaman nating kultura at pagkakakilanlan bilang Pilipino. 

 Sinimulan ang pagdiriwang sa Araw ng Kapistahan ni San Ignacio. Nagpamalas ang mga mag-aaral ng kanilang galing sa iba’t ibang larangan ayon sa tema ng 7’Cs. Nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral mula elementarya hanggang sekondarya sa pamamagitan ng pag-awit at pagsayaw ng mga katutubong awitin.  Ipinakita ng Baile Club ang kaugaliang harana at panliligaw na may kasamang mga katutubong sayaw.  Sinundan naman ito ng Sonata Club ng mga himig Pilipino na tumimo sa puso ng mga manonood. Ipinakita naman ng Blue Scouts sa madla ng mga halimbawa kung paano makapaglilingkod ang mga Atenista sa kapwa--- pag-aaruga sa matatanda, sa mga maysakit at sa mga batang nasa lansangan. Pagpapahalaga sa kultura at pagpapakita ng makulay na pagdiriwang at kapistahan sa bansa ang itinnanghal ng mga piling mag-aaral ng ikaapat at ikapitong baitang sa saliw ng musikang “Piliin Mo ang Pilipinas”. Umawit din ang Cantata Club ng kanilang awiting Hiligaynon.  Ipinaalala naman ng mga piling mag-aaral ng ikalimang baitang sa lahat na pangalagaan at mahalin ang kalikasan.

Sa patuloy na pagdiriwang ng Buwan ng Wika,  may iba pang gawaing inihanda ang Kagawarang Filipino para sa mga mag-aaral sa iba’t ibang baitang.  Ang mga ito ay may layuning malinang ang kanilang pakikipagkapwa-tao at mahuhubog ang kanilang masining na kaisipan at damdamin. Bibigyan sila ng pagkakataon na manonood ng isang pelikulang Pilipino na kanilang susuriin.  Gayundin, magkakaroon sila ng pagkakataong maglaro at maranasan ang iba’t ibang larong Pilipino.  May mga patimpalak din gaya ng pagguhit, paggawa ng poster-islogan, pagdisenyo ng bulletin board, paggawa ng tula, pagsulat ng sanaysay at sabayang pagbigkas na gaganapin sa klase. Magwawakas ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbibigay ng premyo sa mga nanalo at nakilahok sa mga paligsahan.

Nabigyang-kahulugan ang tema ngayong taon dahil sa pagtitipon at pagkakaisa ng bawat pamilyang Atenista hindi lamang bilang mga Pilipino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, kundi pati na rin sa kapistahan ni San Ignacio de Loyola bilang  mananampalataya. Ang tunay na daang matuwid para sa mga Atenista ay ang pagsunod sa yapak ni San Ignacio sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa kanyang mga aral, lalong-lalo na ang pagiging bukas-palad at paglilingkod sa kapwa.  Nawa’y magpapatuloy at mamayani sa puso ng bawat Atenista ang paglilingkod sa Panginoon at sa kapwa. 

Ipagmalaki at isabuhay natin ang mga pangaral ni Hesus at ang mga aral na natutunan natin sa buhay ni San Ignacio bilang tapat na Atenistang Pilipino.

-Ervie Quiros

Tuesday, September 19, 2017

 OUR GLOBAL NETWORK

GlobalNetworkofJesuit

Download

admissionformforEntranceApplication

child protection program and policy

 

Ateneo de Iloilo Information Board

 

Ateneo de Iloilo is power by Trends & Technology, Inc.

Donate ateneo de iloilo programs

Welcome 200GBP Bonus at Bet365 here.